Saturday, February 23, 2008

Ang Tanong: Ano Ang Unang Dahilan Nang Korapsyon Sa Gobyerno?

Ang Katanungan:
Ano ang unang pumapasok sa inyong kaisipan kung may nangyayaring korapsyon sa ating gobyerno?

Ang Kasagutan: Kahirapan
Daanin din natin sa isang tanong ang ating kasagutan. Ano naman ang mga dahilan ng kahirapan? Mahabang tanunangan ito kung ating tutuusin at masasabi nating walang katapusang tanungan. Paano natin masusugpo ito. Ano ang inyong kasagutan sa mga katanungang ito. Ano ang inyong sulosyon. Kung ako ang iyong tatanungin iisa lamang ang kasagutan.
Bago natin masugpo ang KORAPSYON sa gobyerno ay dapat nating sugpuin ang kahirapan. Paano naman natin masusugpo ang kahirapan? Iisa ang sagot dito. Kontrolahin natin ang paglago nang ating populasyon. Natatanndan ba ninyo ang batas na ginawa sa Tsina humigit kumulang sa limampong taon na ang nakakaraan. "Isang anak sa isang magasawa". Ito ang kailangan natin na gawin sa ating bansa. Alam ko na labag ito sa ating "KRISTYANONG PANINIWALA" pero ito lamang ang solusyon dahil sa ating matitigas na ulo. Paano natin maipapatupad ang ganitong panukala? Kapag ang mag-asawa ay may isang anak na at walang maipakitang patunay na may kakayahang bumuhay nang anak na hihigit sa isa ay dapat "KAPUNIN" ang lalaki at "TALIAN" naman ang babae ng sa ganoon kung sila ay magkahiwalay o magtaksil sa isat isa ay hindi na sila magkaka-anak.
Nanonood ba kayo ng "WOWOWEE" o "EAT BULAGA" ito ay isang palabas sa telibisyon na malimit na maging tanong ng "HOST" ay ilan ang inyong anak o ilan kayong magkakapatid at ang malimit na kasagutan ay "marami" po. Ano naman ang ginagawa ni Tatay o ni Inay na ang madalas na kasagutan naman ay sa bahay lamang po. Paano naman kayo nabubuhay at ang kalimitang kasagutan ay iling o di kaya’y luluha na lamang. Dahil sa dami nila hindi na makuhang mapag-aral ang kanilang mga anak at kakulangan sa edukasyon ang sanhi ng madaling malinlang nang ating mga politiko.

Kapunan At Talian Bawat Bayan:
Paano naman tayo makapagtayo nang klinikang kapunan at talian bawat bayan. Panao natin ito matutupad. Ito ang dapat maging proyekto nang isang samahan katulad ng "GAWAD KALINGA". Ang samahang ito ay hindid nakakatalung imbis ay nakakapagpalaki pa nang ating suliranin. Bakit ko ito nasabi? Mantakin mo yung binibigyan nila nang bahay ay nakatira sa kalye ay nagkaanak nang marami hamakin mong bigyan mo nang bahay gawaan di lalong dadami ang kanilang anak dahil mayroon na silang pagagawan bata na walang makakakita kung sila ay magtalik. Bakit hindi na lamang ipagpagawa nang "BIBLIOTIKA o KLINIKA o DADAG GAMOT BAWAT BARANGAY"

1 comment:

clar said...

Ang Tanong: Ano Ang Unang Dahilan Nang Korapsyon Sa Gobyerno?KAHIRAPAN !!!!! Sakit.info